Anastasia And Us

AAU777

 

Kuwento ito ng dalawang taong nagmamahalan at young age pero nagkahiwalay. Kung paano sila sinubok ng tadhana at kung paano sila nagkasakitan ng dahil lang sa isang “Tiwala” na hindi naibigay ng isa. May naghintay at umasang babalikan, may bumalik pero sarado na ang puso ng galit. May sumira sa pagkakaibigan dahil sa pag-ibig na hindi kayang tugunan. Basahin ang kuwento nina Francess at Jones.

 

ANASTASIA AND US

Text: John Michael F. Jalaron

Cover  design: John Michael F. Jalaron

Smashwords Edition: 2018

Published: Aug. 22, 2018

Words: 29,070

Language: Tagalog (Filipino)

ISBN: 9780463877562

Copyright © 2018. All rights reserved.

No part of this ebook novel may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

All the characters in this ebook novel have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all the incidents are merely invention.

 

cropped-pizap_1536149762818-011.jpeg

This ebook novel is protected with the author’s personalized Authenticity Seal® under Philippine copyright law(s). If you purchase/read this ebook with the same cover but without the seal, it may be plagiarized. Please be aware that hence the case, the author didn’t receive any request for consent for the said book and therefore should be reported as illegally stolen copy.

 

 

 

 

 

 

To Papang who found happiness in heaven; And Mamang, who found the same thing in the arms of another man.

—d lovelace.

 

 

 

 

SYNOPSIS

 

“I never stopped loving you, not even a second of those ten long years…”

 

“Babalik ako, Francess. Hindi tayo tuluyang magkakahiwalay. Kailangan lamang na umalis ako sandali para magamot ako. Hindi ibig sabihin ay hindi na kita babalikan. At saka, habang wala ako ay nandiyan naman si Anastasia. Hindi ka masyadong malulungkot. She will cover for me.”

Iyon ang pangakong iniwan kay Francess ng kaibigang si Jones bago ito muling bumalik ng Amerika para magpagamot sa sakit na brain tumor. Naiwan si Francess sa piling ni Anastasia—ang manikang ineregalo ni Jones sa kanya noong fourteenth birthday niya.

Sampung taon ang lumipas at nagbalik si Jones. Pero ang nakakalungkot ay tanging si Anastasia—at ang kaibigan niyang si Trisha—na lamang ang naaalala nito.

Ang mas masakit pa ay nalaman niyang may iba na pala itong mahal bukod sa malamig na trato nito sa kanya na para bang nagtatanim ito ng matinding galit…

 

 

 

 

 

 

 

 

CHAPTER ONE

 

NAGMAMADALI ang mga hakbang ng trese anyos na dalagitang si Francess. Maglalakad lang kasi siya ngayon papunta sa kanilang paaralan dahil nasira ang traysikel ng kanyang Tatay Greg at dahil doon ay hindi na siya nito maihahatid sa eskwela.

Kasalukuyan pa kasing ipinapaayos sa talyer ang traysikel. Bukod doon ay kailangan din ito sa tindahan nila ng mga motor parts dahil nagkasakit si Kuya Andoy na siyang namamahala roon. Panay ang sulyap niya sa digital watch na suot niya. Magaalas-otso na noon ng umaga. Kailangan niyang magmadali sa kanyang paglalakad at baka ma-late siya.

Ayaw niyang ma-late dahil nakakahiya ang mapabilang sa mga late na estudyante at ang masabon ng guro nila. May exam din sila sa English na siyang una nilang subject sa umaga. Mga isang isa’t-kalahating kilometro pa ang lalakarin niya. Mabuti na lamang at hindi naman gaanong mabigat ang bag na dala niyang isang notebook at isang ballpen lang naman ang laman.

At mabuti narin na Biyernes naman noon at wash day nila. Naka-t-shirt lamang siya at below the knee na khaki shorts na tinernuhan niya ng tsinelas at ng baseball cap ng Kuya Alvin niya na paborito niyang hiramin dito. Komportable siya sa kasuotan at masaya niyang tinatahak ang makipot na daan papunta sa eskuwelahan nila. Kahit maaga pa lang ay mataas na ang araw at pinagpapawisan na siya.

Naisipan niyang bumili ng maiinom na juice sa isang tindahan sa gilid ng kalsada at nang mapawi naman ang uhaw niya. Habang naghihintay na iabot ng tindera sa kanya ang biniling juice ay natuon ang pansin niya sa unahan kung saan ay naroroon ang isang grupo ng mga binatilyo na mga nakauniporme.

Pinalilibutan ng mga ito ang isang lalaking sa tingin niya ay halos kasing-edad lamang niya o mas matanda siguro ng mga dalawang taon. Malayo man siya ay natatanaw parin niya ang komosyong nangyayari. Mukhang pinagtutulungang awayin ng mga estudyante ang binatilyong mukhang hindi naman tagaroon. Nakita niyang inaambaan ito ng suntok ng isa sa mga barumbadong nakapalibot rito.

Hindi naman nagpatalo ang lalaki at gumanti rin ng suntok. Ilang sandali pa’y nagpagulong-gulong na sa damuhan ang dalawa. Hindi na niya hinintay ang binibiling juice at kaagad siyang tumakbo palapit sa mga ito. Ang mga basag-ulerong kabataan, imbes na awatin ang mga nagpapatayan sa harapan ng mga ito ay tila tuwang-tuwa pa at parang nanonood lang ng sabong.

Naiinis na nagmura siya at mabilis na kumilos upang paghiwalayin ang dalawang nagsusuntukan, kahit medyo natatakot siyang maipit sa mga ito dahil mas malalaki ang mga ito sa kanya at mas malalakas pa.

Ganoon pa man ay hindi na niya iyon inalintana. Parehong putok ang mga labi ng dalawang kabataan nang magawa niyang paglayuin ang mga ito mula sa isa’t-isa.

“Ano, ha? Ang yabang-yabang mo! ‘Kala mo naman kung sino kang matapang! You really think you could scare me, bastard?!” asik ng binatilyong iyon na hindi niya natiis na hindi tulungan.

Nang mabistahan niya nang maayos ang hitsura nito ay napatulala siya. Kung gaano kasi kaiitim ang mga binatilyong  nakikipag-away rito ay ganoon naman ito kaputi. Kulay kape ang alon-alon nitong buhok at ang mga bilugang mata. Ang pupula rin ng mga labi nito. Walang dudang may lahi ito.

Pinagtawanan lang naman ito ng mga kutong-lupang dugyot at maya-maya ay iniwan narin sila.

Hindi na kumibo pa ang binatilyo at tatalikod na sana nang tila maalala nitong naroroon pa pala siya. Lumingon ito at sa kabila ng dumudugong labi ay ngumiti parin sa kanya, “Salamat sa tulong mo.” Sinserong wika nito.

Napansin ni Francess na bagama’t matatas itong managalog ay kapansin-pansing may slang ang bawat bigkas nito ng mga salita. Pagkatapos magpasalamat sa kanya ay nagsimula na itong maglakad paalis doon. Nagtatalo ang kalooban niya kung susundan ba niya ito o hindi. Iba kasi ang pakiramdam niya sa presensiya nito, parang ang gaan-gaan ng loob niya rito.

Pero sa huli ay napagdesisyunan  niyang huwag na lang itong sundan kung saan man ito pupunta. Tuluyan na kasi siyang male-late sa eskwela. Pero may pakiramdam siyang hindi iyon ang huli nilang pagkikita.

 

“WHERE have you been and what happened to you?” Nanlalaki ang mga matang usisa kay Jones ng Daddy William niya. Kaagad siya nitong inakay papasok ng kanilang beach resort. Naghihintay sa lobby ang Mommy Teresa niya.

Napasinghap naman ito pagkakita sa sugat sa kanyang pang-ibabang labi. Kaagad itong nagpatawag ng medic kahit hindi naman iyon kinakailangan.

“Saan mo nakuha, ‘yan?” tanong nito habang tinitignan ang maliit na hiwa sa labi niya.

Pinalis lang niya ang kamay nito, “This is nothing mom, dad. I’m tired and I just wanna rest.” Tipid niyang tugon at pumanhik na sa loob ng main building ng resort na siyang nagsisilbing guest house.

Nasa ikalawang palapag niyon ang silid niya. Tinatawag siya ng mga magulang pero hindi siya nakinig dahil alam niyang hindi pa tapos ang mga ito sa pagtatanong. At totoong napagod siya sa nangyari kanina at ang tanging gusto niyang gawin ay magpahinga.

Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng silid ay kaagad siyang sumampa sa kama at nakatulog. Nang magising siya ay halos tanghalian na. Kumakalam ang sikmura niya kaya tumawag siya sa reception at nagpaakyat ng pagkain. Nang malamnan ang sikmura ay  naisipan niyang bumaba at maglakad-lakad sa beach.

Medyo masakit parin ang katawan niya pero wala siyang balak humilata buong maghapon. Sa function hall ay nadatnan niya ang mga magulang.

“How are you feeling? Kumain ka na ba? I went upstairs earlier kasi gusto sana naming sumabay ka na sa amin ng dad mong mag-lunch dahil fresh at masasarap ang lobsters. Pero tulog ka at ayaw naman kitang gisingin. Are you really okay, son?” nag-aalala paring tanong ng mommy niya.

Tumango siya at humalik sa pisngi nito, “I’m fine mom. And I’ve already eaten lunch upstairs. I’ll just take a walk. I’ll be right back.” paalam niya sa mga ito.

“Be careful, Jones.” bilin ng ama sa kanya. He gave him a curt nod and went away.

Sa paborito niyang spot sa baybay-dagat siya nagpunta. It was a big gray rock with a chair-like structure na tinawag nilang Ariel’s Couch ng mommy niya. Umupo siya roon at tinanaw ang malawak na karagatan at tinamasa ang katahimikan ng kapaligiran.

Walang masyadong tao sa Merfolks’ Lagoon sa mga ganoong oras. Kadalasan ay dumagdagsa ang mga turista mga ala-sais ng umaga. At pagsapit ng lunch time ay sa bar o restaurant ang mga ito nagpapalipas-oras. Iilan lamang ang mga tila walang pakialam sa init at maghapong ine-enjoy ang pagsu-swimming.

Napabuntong-hininga si Jones habang inililibot ang paningin sa buong resort. Wala pang isang taon magmula nang binuksan ito sa publiko at masasabi niyang hindi naman nagkamali ang daddy niya sa pag-invest sa ganitong uri ng business.

This was his biggest dream—to have a beach resort of his own in the country. Na-meet kasi nito ang mommy niya sa Boracay noon. At na-inspired ang daddy niyang magpatayo ng sariling resort. May pagka-hopeless romantic kasi ito.

It took him years to finally fulfill his dream though. Hindi kasi madali ang proseso. Huwag nang idagdag ang pagpapatayo mismo ng resort pagkatapos mailipat sa pangalan ng dad niya ang property at ma-finalized iyon. And finally last year ay nagbunga ang patience at sacrifices ng kanyang ama.

Tuluyan na nilang nilisan ang Amerika, isang buwan na ang nakalipas at nagkaroon ng dual residency kung kaya’t naging posible ang palipat nila rito sa Pilipinas. He was still in the adjustment process. Kasi hindi madali ang mag-adjust sa isang bagong environment.

He used to live in a hussled and hurried world in their home in Vallejo, California. Tapos bigla-bigla ay magiging laid-back at relax ang lahat. He terribly missed his American life. But this was his home now.

At kahit wala pang gustong makipagkaibigan sa kanya ay nagsusumikap siyang makibagay sa mga kabataan dito. Kahit aloof at rude ang karamihan sa mga ito tulad ng mga batang iyon kanina.

Mabuti na lamang at marunong naman siyang magsalita ng Tagalog. Salamat sa Manang Thelma niya na siyang nagpalaki sa kanya at minulat siya sa kulturang Pilipino. Kung hindi ay baka mas lalo lang siyang magmukhang outsider sa bago niyang tahanan.

Binalikan niya sa isip ang nangyari kanina habang naghahanap siya ng makakalaro. Bored na kasi siya sa mga video games. Iimbitahan niya sana ang mga batang iyon kanina sa resort at nang makapag-canoe sila or just swim on the beach. Hindi niya pababayarin ng entrance fee ang mga ito. He only wanted some people his age to talk and play with.

Pero sa halip ay napaaway siya. Paano, nang malamang anak siya ng may-ari ng Merfolks’ Lagoon ay hiningian agad siya ng pera. At binantaang bubugbugin kung hindi siya magbibigay. He hated those type of people. Na nagte-take advantage sa iba. Mga bata pa ang mga ito pero mga gold digger at social climber na.

Mabuti na lamang talaga at may umawat sa kanila kanina. Kung hindi ay baka napuruhan niya ang binatilyong iyon.

Napangiti si Jones nang gumuhit sa likod ng isip niya ang hitsura ng batang babaeng nagligtas sa kanya mula sa mga kutong-lupang bata kanina. She was by far, undoubtedly the bravest girl he had ever met. Too bad he was so upset and forgot to even ask for her name. He just hoped he would meet her again.

 

“SAYANG naman. Ba’t hindi mo tinanong kung ano’ng name niya? Kung saan siya nakatira?” punung-puno ng panghihinayang ang kaibigan at kaklase niyang si Trisha nang kwentuhan niya ito tungkol sa lalaking nakasalamuha niya kanina.

Si Trisha ang itinuturing niyang parang twin sister. Simula kasi kindergarten days ay magkasama na sila. Sabay na silang lumaking dalawa. Recess time nang mga sandaling iyon at kasalukuyan silang nags-snacks sa may canteen.

Nilunok muna niya ang nginunguyang hamburger bago ito sinagot, “Hello, okay ka lang? Parang napaka-inappropriate naman yata niyon. The timing is just so bad. Isa pa, mukha nagmamadali na siyang makaalis kanina kaya hindi ko narin siya pinigilan.” nakangusong aniya rito.

Trisha gave her a frustrated look, “Wala naman sigurong masama kung maging magkakilala kayo ‘no? After all, you saved him from those bullies.”

“Yes. Pero wag na nating pagtalunan ang bagay na ‘yan. Magdasal na lang tayo na magkita kaming muli. For your benefit.” aniya rito saka muling kumagat ng burger.

“Guwapo ba talaga siya?” maya-maya ay usisa na naman ni Trisha. Mukhang mas ito pa ang hindi makaget-over sa mystery guy na iyon. Tumango siya sabay thumbs-up. Napapikit ito habang ngumunguya ng sariling burger na wari’y nangangarap. Napailing na lang siya.

 

KINAGABIHAN, hindi makatulog si Francess. Natapos na niya ang mga assignments niya at nakapagsulat narin siya ng diary. Nang tignan niya ang orasan ay magha-hatinggabi na pala. Naisip niyang buksan na lang ang radyo.

Iyon ang ginagawa niya kapag ayaw siyang dalawin ng antok. Kapag ganoon kasing oras ipinapatugtog ang mga classic love songs na paborito niya at nagpapaantok sa kanya.

Hinanap niya ang paboritong istasyon at nakinig habang yakap-yakap ang kanyang unan.

Masarap sa tenga ang buo ngunit malamyos na boses ng lalaking DJ. “And now here’s our last requested song from Ms. Anna Rose of Candelaria, QC. ‘It Might Be You’ by Steven Bishop. Once again this is DJ Marco saying goodbye and goodnight. Enjoy the song, hopeless romantics.  Bukas ulit, same time and place. Dito lang sa nag-iisang 104.3 Radyo Romantiko..”

At sumunod na pumailanlang ang awiting paborito ng Tatay Greg ni Francess at dahil lagi niyang naririnig ay naging pamilyar na sa kanya at naging paborito narin niya.

Time I’ve been passing time watching trains go by

All of my life

Lying on the sand watching sea birds fly

Wishing there would be someone waiting home for me

Something’s telling me it might be you

All of my life..

Habang pinakikinggan niya ang lyrics ng kanta ay hindi niya mapigilang isipin ang lalaking nakadaupang-palad kanina. Pero kaagad naman niyang sinaway ang sarili nang ma-realized ang itinatakbo ng isip niya. Ang bata-bata pa niya para magka-crush. At hindi dapat na mag-isip ng ganoon sa isang estrangherong ni pangalan ay hindi niya alam. Naiinis na nagtalukbong na lamang siya ng kumot.

 

KINALUNESAN ay maaga nang pumasok ng eskwelahan si Francess. Pagdating na pagdating niya sa classroom nila ay wala pang tao roon.  Magaalas-siyete pa lamang kasi noon ng umaga.

Para hindi naman siya mainip ay minabuti niyang magpalipas-oras sa kanilang school library. Tamang-tama at kailangan niyang mag-research tungkol sa mga magagandang tourist spots sa Pilipinas para sa group project nila.

Pagpasok niya sa library ay dumeretso na siya sa mga book shelves at hinanap ang aklat na pakay niya. Pagkatapos ay tahimik niya iyong binasa sa may mesa sa isang sulok.

Engrossed na engrossed siya sa ginagawa at hindi niya namalayan ang pagpasok ng isang estudyante sa loob. Nagulat na lamang siya nang may biglang kumalabog sa harapan niya. Tumbler pala iyon ng isang lalaking may pamilyar na mukha.

Sabay pa sila nitong napasinghap nang makilala ang isa’t-isa. “I-ikaw?” hindi makapaniwalang napatayo si Francess at napatitig sa guwapong mukhang iyon. Pinasadahan niya nang nalilitong tingin ang unipormeng suot nito, “E-estudyante ka rin dito?” nanggigilalas niyang tanong.

Ngumiti ito at inilahad ang kamay sa kanya, “Bago ang lahat, ako nga pala si Jones.” pagpapakilala nito sa sarili. Hindi alam ang gagawin na napatitig lamang siya sa makinis at walang kalyo nitong kamay. Natawa naman ito, “You’re not supposed to just stare at it, you know.” amused nitong untag sa kanya.

Nag-aalangang tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “I’m Francess. Transferee ka ba rito?” aniyang parang bigla yatang na-conscious sa hitsura niya. Tumango ito at humila ng isang silya at umupo sa tapat niya. Muli narin siyang naupo. Pakiwari niya kasi ay nanlalambot ang mga tuhod niya.

“Last week lang ako nag-enroll. Medyo natagalan kasi ang pagpapadala ng school credentials ko rito from US.” sagot nitong titig na titig sa kanya.

“US? You’re from—”

“Hay naku! At sinasabi ko na nga bang dito lang kita mahahanap!” pagi-interrupt sa kanya ng pamilyar na boses ni Trisha.

Nang makitang hindi siya nag-iisa ay kaagad itong lumapit sa kanila ni Jones. At literal na napapanganga nang mabistahan ang anyo ng binatilyo.

“Holy, Virgin Mary..” anas ni Trisha na napako na ang tingin sa lalaki. Tumayo si Jones at nagpakilala rito. Hindi naman nakahuma si Trisha at tila itinulos na sa pagkakatayo.

Kinailangan pa niya itong sigawan at nang magbalik ito sa huwisyo. “Oh, hi! I’m Trisha. Francess and I are classmates. I have never seen you around here before..” hindi magkandatuto ang babae sa pakikipag-usap kay Jones.

Napangiti na lamang siya sa reaksiyon nito. Ganoon talaga si Trisha kapag nakakakita ng guwapo, nabubuhayan ito ng dugo.

Napapangiti naman si Jones habang nakikipag-usap rito, “Well, I’m a transferee here. I’m from the United States actually.” pag-iimporma ni Jones sa kaibigan niya.

Napa-O ang labi ni Trisha at bumaling ito sa kanya sabay kindat. Muli rin naman nitong ibinalik ang tingin sa kausap, “So, ano? Magiging magkaklase ba tayo? Ano’ng section ka? Please tell me we’re going to be classmates—and seatmates!” ipinagsalikop pa ni Trisha ang mga kamay at kulang na lang ay lumuhod sa harap ni Jones.

Napakamot na lang siya ng ulo at nagpipigil na batukan ang kaibigan. Si Jones naman ay tila giliw na giliw sa pagiging outspoken ni Trisha.

“Ano’ng year na ba kayo?” sagot-tanong ni Jones rito.

“First year.” sabay nilang sagot ni Trisha.

Nawala ang ngiti ni Jones, “That’s too bad. I’m a year ahead of you.” tila nanghihinayang nitong wika.

Nagpatangu-tango si Trisha. Humila ito ng silya at umupo sa tabi ni Jones. “Okay lang. At least, magkikita parin naman tayo. Anyway, paano kayo nagkakilala nitong bestfriend ko?” interesadong usisa ni Trisha.

Binalingan naman niya ang kaibigan, “Siya nga pala ‘yung ikinukuwento ko sa’yo last week na—”

“Siya ’yon?!” nanlalaki ang mga matang putol ni Trisha sa sinasabi niya. Hindi makapaniwalang nagtakip pa ito ng bibig.

Natawa na lamang si Jones at siya ay naiinis na itinuro rito ang signboard na nakakabit sa pintuan ng library. Nagpatangu-tango si Trisha at tumahimik sabay peace sign.

 

 

 

 

CHAPTER TWO

 

LUMIPAS ang mga araw at naging instant campus crush ang bagong-lipat na si Jones sa eskwelahan nina Francess. At dahil siya ang naging unang kakilala nito roon ay lagi itong nakabuntot sa kanya. Lagi tuloy siyang napag-iinitan ng mga babae at baklang may crush rito.

Tulad ng umagang iyon. Kay ganda sana ng kanyang umaga kung hindi lamang iyon sinira ng kaklase ni Jones na si Cindy. Inabangan pa talaga siya nito sa mismong gate.

“Kung hindi mo lalayuan si Jones ay makakatikim ka na sa’kin!” nanggagalaiting singhal nito sa kanya. Kahit mas malaki at mataas ito sa kanya ay hindi siya nagpaapekto sa pananakot nito.

Hindi na lamang siya kumibo at akma na sanang tatalikod nang bigla na lang nitong hilahin ang buhok niya. Napapikit siya sa sakit at naghandang ihambalos rito ang bitbit niyang libro ngunit may pumigil sa kamay niya.

Si Jones.

Hinawakan siya nito sa kamay, “Hindi ba’t nagkasundo na tayo na sabay nang papasok? Hindi ka talaga nakikinig sa’kin.” Sermon nito at si Cindy naman ang hinarap,

“At ikaw naman. Huwag mong sasaktan si Francess. You’re only giving me more reasons to dislike you.” Maanghang na anito sa kaklase at inakay na siya patungo sa library—na naging tambayan na nila.

“Are you hurt?” Masuyong tanong nito nang makapasok na sila sa loob.

Inilapag muna niya sa mesa ang dalang bag at libro bago sumagot, “Medyo. Hinila niya kasi ang buhok ko.” naiinis na aniya saka humalukipkip.

Lumapit naman si Jones at ginagap ang mga kamay niya, “I’m sorry. Dahil sa’kin, inaaway ka ng mga babae’t bakla dito sa school.” Malungkot na paghingi nito ng pasensiya.

Nagbuntong-hininga siya at tumitig rito, “Layuan mo na lang kasi ako.” aniyang himig-nagbibiro.

Gayon na lamang ang naging pag-iling ni Jones. “No. I won’t ever do that.”

“At bakit hindi?” she challenged.

He smiled, “Basta ayoko lang. Parang hindi ko kaya. You’re my best friend. And best friends are supposed to stick with each other through thick and thin.”

 

“BAKIT ‘di ka nagsabing birthday mo na pala bukas?” sita ni Jones kay Francess nang abutan siya nito sa kanilang science laboratory.

May ipinapasa siyang proyekto sa kanilang science teacher at hinihintay niya ito roon. Tinapos muna niya ang paglalagay ng mga last-minute decorations para sa ginawa niyang modelo ng planetang Saturn bago sumagot, “Sinabi ko na sa’yo last week pa. Makakalimutin ka pala.” natatawang aniya rito.

Pero ito ay mukhang hindi natutuwa. “Paano na ‘yan. Ni hindi man lang kita naibili ng gift.” nagkakamot ng ulong himutok nito.

“Sus, ano ka ba? Hindi na kailangan ‘yon. Okay na sa’kin yung tulungan mo ako sa paghuhugas ng pinggan pagkatapos nating kumain.”

“Oo ba! Kayang-kaya ko ‘yon.” “Hoy, siyempre binibiro lang kita no!” natatawa parin niyang saway rito.

Nagtatawanan sila nang datnan ng kanyang science teacher na si Mrs. Arevalo, “Oh, hello there, lovebirds. Mukhang may pinagkakasiyahan kayo?” tukso nito sa kanila.

Mabilis niyang pinabulaanan ang sinabi nito. “Naku, Ma’am. Nagkakamali po kayo. Hindi ho kami magnobyo ni Jones. Talagang feeling  close lang po yan sa’kin masyado.” aniyang pinamumulahan ng pisngi, “Tsaka ho, ang bata-bata pa namin.” dagdag niya.

Nagkibit-balikat lang ang kuwelang guro, “Saan ba papunta ang closeness na ‘yan..? Hmm..?”

“Naku, Ma’am. Friends lang po talaga kami, di ba, Jones?” baling niya sa lalaki na ni hindi man lang siya tinutulungan sa page-explain. Tila nage-enjoy pa nga ito sa pagiging aligaga niya.

Gusto tuloy niya itong batukan ng ginawa niyang science project.

Ngumiti lang ang kumag at hindi nagsalita. “O siya, hindi na kita kukulitin. Iyan na ba ang project mo?” Pag-iiba na lamang ni Mrs. Arevalo ng usapan. Mukhang napagtanto nitong hindi naman talaga siya nito mapipilit.

Nakahinga naman siya nang maluwag. Nang umalis na sila ni Jones roon ay halos takbuhin na niya ang pabalik sa kanilang classroom. “See you later, best friend!” tawag ni Jones sa kanya.

Hindi niya ito pinansin.

 

KINAGABIHAN ay tumambay si Trisha sa bahay nina Francess. Gusto raw kasi nitong tumulong sa paghahanda ng Macaroni at Fruit Salad. Pero alam ni Francess na gusto lamang nitong magchismisan sila tungkol kay Jones at sa mga guwapong schoolmates nila na halos lahat naman yata ay crush ni Trisha.

Nang mga sandaling iyon ay nasa kusina sila at naghahanda ng mga isasahog nila sa macaroni salad na ang nanay naman niya ang nagpapakulo.

“Excited ka no?” anito habang pinapanood siya sa paghihiwa ng cheese. Sa nata de coco naman ito nakatoka.

Inismiran niya ito. “Ano’ng klaseng tanong ‘yan? Of course, excited ako para sa fourteenth birthday ko.” Ang totoo, alam niya kung ano ang itinutumbok nito. Pero hahaba at hahaba lang usapan kapag pinatulan niya si Trisha.

Hindi naman ito nagpaawat sa panunukso, “Naku. Kilala kita. Alam ko kung kailan ka kinikilig at kung kailan hindi. At alam ko rin na espesyal para sa’yo si Jones! Ayeee!” At kulang na lang ay mahulog ito sa kinauupuan sa katatawa.

“Sino si Jones?” Ang Nanay Margie niya. Kababalik lang nito mula sa sala. Awtomatikong natahimik silang dalawa. Si Trisha ay nagpipigil parin ng tawa habang siya ay kulang na lang hiwain ang pahamak na pagmumukha nito. Masersermunan na naman siya ng nanay niya kapag nalaman nitong lalaki ang pinag-uusapan nila.

“Wala po, ‘nay. Schoolmate lang namin ‘yon.” aniya saka muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.

Nilapitan siya ng nanay niya, “Schoolmate? Eh ba’t parang kinikilig ka ‘ata?” puna nito sa nanunuksong tinig.

Tuluyan nang napabunghalit ng tawa si Trisha.

Ipinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanila, “Manliligaw mo ba si Jones, anak?” hindi naman mukhang galit ang nanay niya.

At kung hindi lamang niya kailangang itama ang maling hinala nito ay hindi na lang sana siya magsasalita.

Tumikhim siya at ngumiti ng tipid, “Magkaibigan lang po kami ni Jones ‘Nay. Actually ho, transferee ho namin siya. Ako po ‘yong naging una niyang ka-close kasi nang minsang pinagtulungan siyang awayin ng mga kutong-lupa diyan sa labas ay tinulungan ko po siya. Kaya po kami naging friends.” pagpapaliwanag niya.

Nagpatangu-tango ang kanyang nanay. “Pupunta ba siya rito bukas para sa birthday mo?” tanong ng ginang habang nilalagyan ng gatas ang macaroni.

Napapantastikuhang napatingin si Francess sa ina. Bakit parang mas natutuwa pa yata ito kesa nagagalit?

“Ah, oho sana eh. K-kung okay lang.” nag-aalangang sagot niya.

Nang ngumiti ang kanyang ina ay hindi siya makapaniwala. Napayakap tuloy siya rito. “Akala ko po ba ayaw n’yong nagdadala ako ng lalaki rito sa bahay kasi ang bata-bata ko pa.” nakangiti ng matamis na pagpapaalala niya rito sa walang kamatayan nitong bilin sa kanya.

“Naisip ko lang kasi, hindi ‘ata maganda yung hindi ka rin nakikihalubilo sa opposite sex. Tsaka, ngayong dalaga ka na ay hindi ko naman mapipigilan ang mga boys kung gusto nilang makipag-close sa‘yo. Basta, wala munang boyfriend ha?”

“Opo, ‘Nay. Promise! Thank you rin po.”

 

KINABUKASAN  ng Sabado, madaling araw pa lang ay mulat na ang pamilya ni Francess.

Ang Tatay Gregorio niya at mga kapwa traysikel driver nito at ang kanyang Kuya Alvin ay abala sa pagle-lechon. Ipinasara muna nila ang kanilang tindahan para mas matutukan ang preparasyon sa kanyang birthday.

Ang Nanay Margie naman niya, kapatid nitong si Tita Sally at ang pinsan nilang si Ate May ay hindi magkandaugaga sa pagluluto ng kung anu-ano pang putahe.

Siya ay minabuting plantsahin ang kanyang mini-dress na binili ng nanay niya kahapon. Nang matapos sa ginagawa ay tumulong siya sa pagliligpit ng kalat sa kusina. Nagwawalis siya nang biglang tumunog ang telepono. Si Ate May ang sumagot niyon.

Maya-maya ay tinawag siya nito, “May naghahanap sa’yo. Jones daw.” anitong nanunukso ang tinging ipinupukol sa kanya.

Iningusan niya ang pinsan at kinuha mula rito ang reciever, “Hello, Jones?” aniyang pilit na hininaan ang boses. Alam niya kasing tutuksuhin siya ng mga babae sa kusina na pasimpleng nakikinig.

Tumikhim si Jones mula sa kabilang linya, “Hi! Did I wake you up?” nag-aalala nitong tanong. Kahit papaano ay napangiti siya. Isa sa mga nagustuhan niyang ugali nito ay ang pagiging sensitive at thoughtful nito. Lagi nitong isinaalang-alang ang nararamdaman ng iba.

“Ay naku, hindi. Kanina pa ako gising. Napatawag ka?” aniyang pasimpleng sinulyapan ang mga nagluluto sa kusina. Nagbubulungan kasi ang mga ito at naririnig naman niya.

“Eh kasi hindi ko pa alam ang papunta diyan sa inyo. I’m afraid I’d get lost. Can I have the address please?” pakiusap ng lalaki.

Natampal naman niya ang sariling noo at napailing. Nakaligtaan nga pala niyang ibigay rito ang address ng bahay nila.

“Sorry. Nakalimutan kong ibigay sa’yo kahapon. Dami kasi naming ginawa sa school. May papel at ballpen ka ba diyan? Ididikta ko na lang sa’yo.”

“Yes. I’m ready.” At pagkatapos niyang maibigay rito ang address nila ay nagpaalam na sila sa isa’t-isa.

At gaya nga ng inaasahan ay hindi siya nakaligtas sa mga mapanuksong tingin nina Ate May at Tita Sally. Ang Nanay Margie naman niya ay ngingiti-ngiti lang. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito at tinapos na ang natigil na pagwawalis ng sahig.

 

KINAHAPUNAN ng bandang alas-cinco nang magsimula ang salu-salo sa bahay nina Francess. Sa mga oras na iyon ay marami na sa mga kaklase niya at ilang mga kaibigan ang dumating.

Pero si Jones ay hindi pa niya nakikita. Hindi tuloy niya maiwasan ang hindi mag-alala para dito. Baka kung saan-saan na kasi ito napunta.

“Relax ka lang. Masyado kang excited. Baka na-traffic lang.” natatawang biro ni Trisha sa kanya.

Sinikap naman niya ang sariling mag-relax. This was supposed to be a stress-free day and she was supposed to be enjoying it. Upang huwag siyang masyadong ma-stress sa paghihintay kay Jones ay minabuti na lamang niyang istimahin ang kanyang mga bisita. Nakipagkuwentuhan siya sa mga ito.

Maya-maya ay tinawag siya ng Tatay Greg niya, “Anak, sino iyong binatilyong naghahanap sa‘yo sa labas?” nagsasalubong ang mga kilay na usisa sa kanya ng ama.

Nahihiyang ngumiti siya rito, “Kaibigan ko po ‘yon, ‘Tay.” aniya at saka sumama rito sa labas ng bahay nila. At nandoon na nga si Jones, kausap ang Kuya Alvin niya.

Dinig na dinig niya kung paano sinasabon ng kanyang kapatid ang pobreng lalaki, “So kaibigan lang talaga kayo, ha?” diskumpyadong tanong ng kanyang Kuya Alvin kay Jones.

Nahihiyang nagkamot naman ng batok ang binatilyo, “Yes, po.” magalang nitong sagot.

“Sigurado ‘yan, ha?”

“Sigurado po.”

Upang huwag nang mapunta sa kung saan-saan ang usapan, minabuti niyang ilayo na si Jones mula sa kanyang Kuya Alvin.

Inakay niya ito sa loob ng bahay kung saan naman ito ginisa ng Tita Sally niya. Nang sa wakas ay natapos na ang mga katakut-takot na tanong ng pamilya niya kay Jones ay nagkaroon narin sila ng tiyempo para makaeskapo at makapag-usap sa likod-bahay. May shed doon na dati ay naging playhouse niya noong kabataan niya.

“Salamat sa pagpunta.” taos-pusong aniya habang humihigop ng lemonade mula sa straw.

Tumango ito at may iniabot sa kanya. “Ano ‘to?” takang tanong niya at sinipat-sipat ang hugis-parihabang gift box na ibinigay nito.

“Something special.” anito sabay kindat.

Napangiti naman siya at napatitig rito, “Thank you. Pero, akala ko ba hindi mo na ako mabibigyan ng regalo?”

“Well, first of all. Parang napakasama ko namang kaibigan kong hindi kita bibigyan ng gift gayong birthday mo naman. Isa pa, balak talaga kitang bigyan ng something for defending me against those bullies.”

“Naks! Hindi naman kailangan,” nahihiyang iling niya, “Ano ba kasi ang something na ‘to?” curious na tanong niya at akma na sanang bubuksan ang box nang pigilan siya nito,

“Mamaya mo na buksan. I still have one surprise for you.”

 

NAKA-BLINDFOLD ang mga mata ni Francess kaya wala siyang ideya kung saan siya dinala ni Jones. Basta naramdaman na lamang niya ang paghinto ng sasakyang kinalululanan nila. At pagkatapos ay ang kamay nitong umaakay sa kanya pababa.

Ang una niyang naramdaman nang makababa ng sasakyan ay ang pagdampi ng malamig at amoy-dagat na hangin sa kanyang mga pisngi. Hindi niya maiwasang magtanong rito tungkol sa kinaroroonan nila. Pero hindi ito sumasagot at tila gusto yata siyang patayin sa suspense.

Patuloy lamang si Jones sa pag-akay sa kanya papunta sa kung saan. Ilang sandali pa’y tila lumalambot na ang kanyang inaapakan. May kutob siyang nasa buhanginan na sila nang mga sandaling iyon. Maya-maya ay huminto na sila sa paglalakad.

“Ready ka na?” bulong ng binata sa punong-tenga niya. Puno ng pananabik siyang tumango ng marahan. Pagbilang nito ng tatlo ay dahan-dahan nitong tinanggal ang panyong nakatakip sa mga mata niya at hinimok siyang imulat na ang mga iyon.

Pagdilat niya ay tumambad sa kanya ang malawak na karagatan. Sa kabila nang takip-silim na noon at medyo madilim-dilim narin sa dakong iyon ng dalampasigan ay kitang-kita niya parin ang pino at puting buhangin niyon at sa magkabilang dulo ay may mga makakapal at malalagong bakawan. Napatakip siya ng bibig.

“Welcome to Merfolk’s Lagoon!” buong pagmamalaki nitong sabi sabay ngiti ng matamis.

Hindi naman siya makapaniwala sa narinig. Sikat ang beach resort na iyon sa lugar nila. Pero dahil high-end at may kamahalan ay hindi pa nila iyon napupuntahan ng pamilya niya.

Salubong ang mga kilay na binalingan niya ito, “Teka, saan ka kamuha ng—”

“Sshh…,” ngiti-ngiting putol nito sa pagtatanong niya at inakbayan siya. Tumingin ito sa kawalan kung saan nagkikislapan ang mga mumunting bituin, “Would you believe it if I tell you my family own this place?” Kaswal nitong tanong na talaga namang nagpasinghap sa kanya.

Ang lakas ng naging iling niya. Tinawanan lang siya nito at saka hinila papunta sa mabatong bahagi ng aplaya. Mula roon ay maingat siya nitong inakay patungo sa isang malaking bato na hugis-upuan.

Lalo pa siyang nalula nang maupo siya roon katabi nito. “Nagbibiro ka lang hindi ba?” Hindi parin makapaniwalang aniya rito.

Walang kangiti-ngiting humarap ito sa kanya, “Do I look like I’m kidding or lying?” sagot-tanong ni Jones at muling ibinigay sa kanya ang regalo nito. “Now you may open it.” udyok nito na bumalik na ang aliwalas sa mukha.

Mabilis naman niyang binuksan ang gift box. Maya-maya pa’y tumambad sa kanya ang isang napakagandang manika na nakasuot ng Victorian dress. May ginintuang braids iyon at abuhing mga mata. Sa kanyang tantiya ay umaabot sa isang talampakan ang taas niyon.

“Ang ganda-ganda niya!” naibulalas niya sabay yakap sa manika.

“Do you like it?”

“Oo naman! Thank you talaga!” taos-pusong pagpapasalamat niya rito at niyakap din ito. Ngunit kaagad din siyang bumitaw dahil bigla siyang naasiwa sa ginawa. Hindi naman ito nagsalita at ngumiti lang.

 

Visit: https://www.smashwords.com/books/view/890909
to purchase this book to continue reading. Show the author you
appreciate their work!

 

  • Review by: Aliza Marie Simpia-Diacosa on Aug. 29, 2018 : 
    Anastasia and Us is a story that is pure and true. Its a love that endures time. A love that is still felt no matter what. I like that this novel does not have that too much drama(I already have a lot on my life, hehehe). My only outtake is that it needs more steamy scenes(sorry if I am demanding but I think its just because I am used to reading steamy hot scenes, lels. Please forgive me). Overall its a nice novel to read and I highly recommend it. Thank you so much dear Deborah Lovelace for this novel. More power to you and Godbless!

 

 

 

Leave a comment